Wala pa naman umanong namomonitor ang Department of National Defense na kakaibang kilos ng China kahit naka-istasyon ang mga ito sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Sa ngayon, nananatili ang presensya ng Chinese vessels sa Ayungin Shoal kung saan naka-istasyon din ang tropa ng Pilipinas sa BRP Sierra Madre.