Ipinatutupad na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pamamahagi ng $200 o halos P12,000 ayuda para sa overseas Filipino workers na apektado ng krisis sa Middle East.
Ayon kay Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, nakalaan ang tulong para sa mga OFW na nawalan ng trabaho o nabawasan ang sahod at oras ng pagtatrabaho dahil sa krisis.






















