Naghahanda na ang Department of Migrant Workers at ang Overseas Workers Welfare Administration ng panibagong chartered flights para sa mga overseas Filipino workers sa Middle East na nais nang umuwi ng Pilipinas.
Kaugnay nito, magdaragdag din ng panibagong hanay ng mga personel ang DMW at OWWA sa land crossing ng Middle East para sa mga OFW na kailangang tumawid sa ibang bansa, partikular na kung mayroong nangyayaring kaguluhan.






















