Kada pagtaas ng presyo ng petrolyo, tumataas din ang patong sa presyo ng bigas sa merkado.
Ito ay ayon sa Grains Retailers Confederation of the Philippines (GRECON).Kaugnay nito, iminumungkahi ng grupo ang pagpapaikli ng ruta sa transportasyon ng bigas upang makabawas sa gastos at mapanatiling mas abot-kaya ang presyo para sa mga mamimili.






















