Handa ang Iran sakaling muling umatake ang Estados Unidos kasunod ng pagtutol ni US President Donald Trump sa tugon ng Tehran sa pinakahuling proposal para sa pagwawakas ng digmaan.
Sa kabila ng palitan ng matitinding pahayag, tiwala pa rin si Trump na isusuko ng Iran ang uranium enrichment nito.






















