Submitted for resolution na sa Sandiganbayan ang petisyon ng Office of the Ombudsman na humihiling ng precautionary hold departure order laban kay dating House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez.
Layunin nitong pigilan ang mambabatas na makaalis ng bansa habang isinasagawa ang imbestigasyon.
Nangangamba ang Ombudsman na mahihirapan ang kanilang imbestigasyon sakaling makalabas ng bansa si Romualdez, gaya ng nangyari kay Zaldy Co.






















