Inaasahang ilalabas na ngayong linggo ng Malacañang ang magiging hakbang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isinumiteng 125‑day accomplishment report ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y multibillion‑peso flood control scam.






















