Nakatakdang magpulong ngayong araw ang technical board ng Department of Finance para pag-usapan ang magiging panuntunan sakaling bawasan na o suspendihin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang excise tax.
Ayon kay Finance Undersecretary Karlo Fermin Adriano, posibleng ilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang executive order para dito sa April 12 o 13.






















