Inilabas na ng Philippine National Police Forensic Group ang resulta ng imbestigasyon sa pagkamatay ng dating opisyal ng Department of Public Works and Highways na si Undersecretary Catalina Cabral.
Batay sa forensic report, walang ebidensyang nagsasaad na itinulak o tumalon sa bangin ang dating opisyal. Sa halip, lumabas sa pagsusuri na nagpadausdos pababa si Cabral.






















