Mabilis na rumesponde ang mga awtoridad sa Talisay City, Cebu matapos bahain ang Barangay Biasong dahil sa bagyong Tino.
Kabilang sa matinding naapektuhan ang Crocolandia, kung saan bumigay ang bahagi ng pader ng pasilidad kaya agad na inilikas sa ligtas na lugar ang mga hayop.






















