Nagbabala ang mga eksperto at security official na maaaring bahagi ng isang “creeping invasion” o dahan-dahang pagpapalawak ng impluwensiya at kontrol ng China ang mga bagong aktibidad na namataan sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.
Ayon sa kanila, hindi lamang sa West Philippine Sea umiikot ang usapin kundi maging sa impormasyon, ekonomiya, diplomasya at iba pang aspeto ng pambansang seguridad.






















