Hinihikayat ni Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda Leviste sa district engineer na nagtangka umanong manuhol sa kanya na tumestigo ito sa umano'y anomalya sa mga flood control projects ng Department of Public Works and Highways o DPWH.
Kasama rin sa hinihikayat ng mambabatas ang iba pang contractor na may alam sa umano'y nangyayaring katiwalian sa DPWH.