Nanawagan si Cavite 1st District Rep. Jolo Revilla ng patas na pagtrato sa ilalim ng batas para sa amang si dating Senator Bong Revilla.
Giit ng Kongresista, ang kusang pagsuko ng ama sa mga awtoridad ay isang matinding hakbang para harapin ang mga akusasyon laban sa kaniya.






















