Pinagbibitiw ng ilang kongresista o kaya naman ay posibleng maharap sa impeachment case ang commissioner ng Commission on Audit o COA na may asawang presidente at general manager ng isang construction firm.
Ito ay matapos matukoy ang daang milyong pisong halaga ng mga proyektong nakuha ng construction company sa Department of Public Works and Highways o DPWH.