Iimbitahan ng Senado ang civil society organizations at budget experts sa pagdinig para sa panukalang 2026 national budget.
Ito ang inihayag ni Senator Sherwin Gatchalian kasabay ng pagtanggap ng Senado ng kopya ng panukalang pondo.
Tiniyak din ng Senate Committee on Finance chairperson na hindi nito papayagang maisingit ang ilang programa sa bicameral conference committee report.