Ilang araw matapos ilabas ang wanted poster laban kay Charlie Atong Ang, nakatanggap na ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng 17 impormasyon kaugnay sa posibleng pinagtataguan ng negosyante.
Ayon sa CIDG, napuntahan na ang 10 property na ibinigay sa kanila sa mga natanggap na tip, at sinagot din nila ang mga nagsasabing scripted ang ginagawang paghahanap ng mga awtoridad kay Atong Ang.





















