Iginiit ni Department of National Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. na hindi dapat pakialaman ng China kung paano ipinatutupad ng Pilipinas ang One China Policy.
Ginawa ng kalihim ang pahayag matapos sabihin ng Beijing na dapat sumunod ang Pilipinas kaugnay ng planong pagbubukas ng Taiwan Representative Office sa Cebu.






















