Nadamay sa airstrike ng Estados Unidos ang isang cancer hospital sa Ahvaz City, Iran, matapos tamaan ng debris ng missile ang pasilidad na may mahigit 200 pasyente, karamihan ay mga bata.
Agad na inilikas ang mga pasyente upang matiyak ang kanilang kaligtasan, habang muling nababahala ang mundo sa tumitinding epekto ng hidwaan ng Amerika at Iran sa mga sibilyan.





















