Muling nagpalabas ng panibagong storm surge warning ang PAGASA bunsod pa rin ng bagyong Nando.
Base sa 8 a.m. storm surge warning, inaasahan ang minimal to moderate risk ng daluyong sa mga baybayin ng Cagayan, Ilocos Norte at Ilocos Sur sa loob ng susunod na labing-dalawang oras.