Sinuri sa impeachment trial ang joint account sa BPI ng mag-amang dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte.
Inusisa ang mga transaksyon sa account, kabilang ang time deposits at manager’s check purchase transactions mula 2010. Gayunman, natukoy na walang pirma ang Bise Presidente.





















