Nakalipad na pabalik sa Brigadier General Benito N. Ebuen Air Base sa Lapu-Lapu City, Cebu, kahapon ang S-70 Black Hawk helicopter ng Philippine Air Force.
Noong Miyerkules ng umaga, nagsagawa ito ng precautionary landing sa bukiring bahagi ng St. Bernard, Southern Leyte, habang isinasagawa ang Rapid Damage Assessment and Needs Analysis o RDANA sa mga lugar na dinaanan ng bagyong Tino.























