Tinalakay na ng House Ways and Means Committee ang mga panukalang batas na nagsusulong na pagkalooban ng emergency powers si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para suspendihin o bawasan ang ipinapataw na buwis sa langis.
Ayon kay Rep. Miro Quimbo, chairperson ng House panel, isinagawa na ang pagpupulong upang matugunan ang tumitinding krisis na pagtaas ng pandaigdigang presyo ng langis.






















