Umakyat na sa 16 ang bilang ng nasawi sa pagguho ng Binaliw Landfill sa Cebu City matapos marekober ang 3 bangkay nitong Miyerkules ng umaga, ayon kay Cebu City Councilor Dave Tumulak.
Batay sa ulat ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office, 18 ang naitalang sugatan habang 20 pa ang patuloy na nawawala sa insidente.























