Inihalintulad ni Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla sa isang ‘organized crime syndicate’ ang mga nasa likod ng korapsyon sa loob mismo ng Bureau of Fire Protection.
Isa sa mga ikinokonsiderang hakbang ng DILG upang masugpo ito ay ang pagsubaybay sa galaw ng mga tauhan sa pamamagitan ng pagsusuot ng body cameras.






















