Dalawang araw bago ang pagpapalit ng taon, nagsimula nang tumaas ang presyo ng mga paputok sa Bocaue, Bulacan.
Pinapayuhan naman ng Bulacan Public Health Office at Bureau Of Fire Protection ang publiko na mag-ingat sa paggamit ng paputok kasunod ng naitalang 15 firecracker-related injuries sa lalawigan.






















