Babawasan ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ang airport fees na binabayaran ng mga airline company at passenger service charges simula sa darating na Abril.
Isa pa rin ito sa mga hakbang ng pamahalaan na layong ibsan ang epekto ng labis na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo bunsod ng gulo sa Middle East.






















