Suportado ng Presidential Office for Maritime Concerns ang pagpapalakas ng Bantay Dagat bilang kaagapay sa pagbabantay ng ating karagatan, lalo na sa West Philippine Sea.
Kasabay nito, patuloy namang nangangamba ang mga mangingisda sa Scarborough Shoal dahil sa patuloy na pagharang ng China na makapasok sila sa bahura.






















