Iginiit ng Malacañang na hindi simpleng grave threat ang naging banta ni Vice President Sara Duterte laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa Palasyo, hindi na dapat pagtalunan kung paano ito mapatutunayan dahil mismong ang Pangalawang Pangulo umano ang umamin sa naturang pahayag.





















