Kapwa kinondena ng Estados Unidos at Pakistan ang pagbabanta ng Houthi rebels sa mga commercial vessel at oil tanker na dumaraan sa Red Sea.
Giit ni Pakistani Foreign Office Spokesperson Tahir Andrabi, red line para sa Islamabad ang anumang pag-atake sa mga barkong may bandila ng Pakistan at sa maritime interests nito.






















