Hindi katanggap-tanggap para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bansag na ibinibigay ng ilang foreign media na umano'y ISIS training spot ang Pilipinas.
Sa pahayag ng National Security Council o NSC na binasa ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, walang kumpirmadong ulat na ang mga suspect sa Bondi Beach shooting sa Australia ay nag-training sa bansa.






















