Itinaas na ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration o PAGASA sa Typhoon category ang bagyong Nando kaninang 10:00am.
Patuloy itong lumalakas kung saan taglay nito ang maximum sustained winds na 120 kph at gustiness o pagbugso na 150 kph.