May mga bagong ilalahad ang tinaguriang very important witness sa susunod na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa flood control scam.
Ito ang tiniyak ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson sa gitna ng inaasahang muling paghahalal sa kaniya bilang chairperson ng naturang komite.






















