Pormal nang pinahaharap sa House Justice Committee si Atty. Michael Poa sa pagdinig sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte sa April 14.
Kaugnay ito ng alegasyon sa umano’y maling paggamit ng confidential funds noong kalihim pa ng Department of Education ang Bise Presidente, kung kailan nagsilbi si Poa bilang Chief of Staff.






















