Wala na umanong direktang komunikasyon si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa kanyang mga abogado matapos nilang maisapinal ang kanilang legal strategy.
Ayon kay Atty. Jimmy Bondoc, natapos na nila ang kanilang paghahanda bago pa umalis ng Senado ang senador noong May 14, kaya wala na umano silang kailangang pag-usapan pa.






















