Dalawang araw na lamang ang pananatili sa kalawakan ng apat na astronaut ng Artemis II lunar mission bago ang kanilang pagbabalik sa Earth.
Bagama’t nasaksihan ng mundo ang ilan sa kanilang galaw sa pamamagitan ng live streaming, sinabi ng crew na mas marami pa silang hindi naipakita na tunay na kahanga-hangang karanasan sa labas ng planeta.






















