Panibagong batch ng mga nasasangkot sa flood control scandal ang posibleng makasuhan na rin sa Sandiganbayan ngayong linggo ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano.
Samantala, panibagong reporma sa loob ng opisina ang plano ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla, kasama na rito ang pagtatalaga ng mga marshals upang masigurong walang makakasagabal o manggugulo sa kanilang mga isinasagawang imbestigasyon.






















