Hindi natuloy ang nakatakdang arraignment at pre-trial sa Sandiganbayan ni dating Senador Ramon Bong Revilla Jr. at ng kanyang mga kapwa akusado sa kasong graft at malversation kaugnay ng umano’y P92.8-M ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
Ipinagpaliban ito dahil sa mga nakabinbing mosyon na kumukuwestyon sa merito ng kaso.






















