Tinawag ng ilang kongresista na distraction at palusot ang anunsyo ng pagtakbo ni Vice President Sara Duterte bilang pangulo sa 2028 elections.
Ayon sa kanila, kung handa itong tumakbo sa pagkapangulo, dapat handa rin itong harapin ang mga alegasyon ng katiwalian laban sa kanya, kabilang ang umano’y maling paggamit ng confidential funds.






















