Bukod sa mahigpit na pagbabantay sa presyo ng produktong petrolyo, pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Energy (DOE) na magiging sapat ang suplay ng langis sa bansa sa gitna ng giyera sa Gitnang Silangan.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, sapat pa ang petroleum products sa bansa at may mga ginagawa na silang hakbang para matiyak na tuloy-tuloy ang suplay ng langis.






















