Sa gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan ng China at Japan, sinabi ng Armed Forces of the Philippines na mas pinalawak nila ang pagbabantay sa karagatan sa rehiyon.
Ayon sa AFP, dahil lumipat na sila sa external defense, mas malayo at mas marami na ang kanilang minomonitor.






















