Nakatutok ang Armed Forces of the Philippines sa posibleng epekto ng transport strike ngayong araw, March 19.
Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, bagama’t hindi sila ang pangunahing ahensiyang humahawak sa sitwasyon, nakaantabay ang kanilang puwersa para umalalay sa mga maaapektuhang pasahero.






















