Aabot sa halos 5,000 sundalong Pilipino at mga kaalyado ang lalahok sa unang yugto ng taunang Salaknib military exercise ngayong Abril.
Kabilang sa mga kalahok ang army units mula sa Pilipinas, Estados Unidos, Australia, at Japan.
Layunin ng pagsasanay na palakasin ang koordinasyon at kahandaan ng mga tropa, lalo na sa pagtugon sa mga sakuna at posibleng banta sa seguridad.





















