Ilang insidente ng sunog ang naitala ng Bureau of Fire Protection (BFP) kahapon kasabay ng selebrasyon ng pagsalubong sa bagong taon. Ayon sa ahensya, umabot sa 66 na istruktura ang nasunog sa iba’t ibang lugar.
Batay sa datos ng BFP, mas mataas ang bilang ng mga sunog ngayong pagpasok ng 2026 kumpara sa mga insidenteng naitala noong pagsalubong sa taong 2025.






















