Hindi bababa sa limang cabinet secretaries at ilang undersecretaries ang may bilyon-bilyong piso umanong allocables o non-allocables sa 2025 national budget.
Ito ang kinumpirma ni Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Panfilo Lacson na batay aniya sa mga dokumento ng Department of Public Works and Highways o DPWH, gayundin mula sa mga dokumentong ibinigay sa kaniya ng abugado ng yumaong dating DPWH Usec. Catalina Cabral.






















