Apat na Chinese vessel na sinasabing nagsasagawa ng illegal marine scientific research sa karagatang sakop ng teritoryo ng Pilipinas ang namonitor ng Philippine Coast Guard (PCG) kamakailan.
Muling iginiit ng PCG na hindi nila kukunsintihin ang anumang ilegal na aktibidad ng China sa loob ng teritoryo ng Pilipinas na walang pahintulot mula sa pamahalaan.






















