Inaresto ng Abu Dhabi Police ang nasa 375 indibidwal dahil sa pagbi-video sa mga sensitibong lokasyon at pagpapalaganap ng maling impormasyon kaugnay ng tensyon sa Middle East.
Ayon sa mga awtoridad, patuloy na binabalewala ng mga ito ang mga opisyal na babala sa kabila ng paulit-ulit na paalala.






















