Pinangangambahang lalo pang lalala ang tensyon sa Yemen kasunod ng muling pag-init ng labanan sa pagitan ng Houthi rebels at mga puwersa ng pamahalaan.
Ito ay matapos maglunsad ang Houthi ng malakihang pag-atake sa ilang kampo ng militar sa gitnang bahagi ng bansa, na umano'y pagganti sa pagpapalakas ng puwersa ng Saudi Arabia sa rehiyon.






















