May iba pang personalidad na papangalanan ang Independent Commission for Infrastructure o ICI na umano'y sangkot sa malawakang korupsyon na nangyari sa flood control projects.
Ayon kay ICI Chairperson Retired Justice Andres Reyes, kabilang sa mga ito ang ilan pang senador.






















