Higit 200 pamilya sa tatlong barangay sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan ang lumikas sa mga evacuation center dahil sa pag-apaw ng tubig sa ilog at bahang dulot ng Bagyong Uwan.
Nagpatupad rin ng preemptive evacuation ang provincial government at disaster rescue sa mga nakatira malapit sa coastal areas na lumikas sakaling tumaas ang tubig-baha bunsod ng high tide na sinabayan pa ng pagpapakawala ng tubig sa Angat Dam.























