Nanawagan ng tulong sa pamahalaan ang ilang residente sa Vinzons, Camarines Norte matapos gumuho ang isang bahagi ng breakwater o flood control system sa kanilang barangay.
Pangamba ng mga opisyal ng barangay na daan-daang pamilya pa ang maaaring maapektuhan kung lumala ang pagguho ng istruktura.






















